kasiyahan

Paglalakbay at Kasaysayan
Tunay nga siguro akong mapalad at nabibigyan ako ng pagkakataong maglakbay. Maglakbay sa mga lugar na nasa panaginip lamang nararating mga nakararaming mga tao.

Nitong nakaraang mga linggo lamang ay nagpunta kami ng dalawa kong matatalik na kabigan sa Roma, punung-lungsod ng Italya. Roma, na dalawang libong taon nang nakalipas ay siyang pinakamalaking emperyo sa daigdig. Ang Roma. Napakasaya ng aming naging paglalakbay. Kasama rin namin ang aming mga kaibigan galing Norway, Austria, Sweden at Italya.

Nalibot namin ang sentro ng Roma kung nasaan ang pagkalaki-laking Coloseo, mga Arko, ang burol ng Palatine, at kung anu-ano pang makasaysayang mga gusali. Narating rin namin ang Vatican. Nakamamangha ang lungsod na ito. Kay lalim ng naging kasaysayan at ang dami rin naming mga natutunan mula sa aming mga paglilibot.

Nakalulungkot nga ring isipin na sa kabila ng pagiging malaking emperyo ng Roma noong panahon, ramdam na ramdam ko sa maikling pamamalagi dito na nawalan na ng kaluluwa ang mga nagtatayugang mga gusali nito. Nabubuhay na lamang sila sa ala-ala't kasaysayan.

Hindi rin naman mawawala sa Italya ang pagkain..at sorbetes!! Pagkasarap-sarap! Ang init noong nandoon kami kaya't maya't maya ay sorbetes ang palamig namin! Ang pagkain, wala akong masabi! Malasang-malasa.

Pagkatapos naman ng Italya, ako ay nagpunta sa Sweden para bisitahin ang mga kaibigan ko doon.

Napakagandang lungsod ang Stockholm! Masaya ako´t pumunta ako dito sa magandang bansang ito. Malinis, payapa, masayahin at buhay ang mga tao. Mataas rin ang antas ng pamumuhay at teknolohiya sa bansang ito. Pakiramdam ko, dito magandang tapusin ang kurso ko sa kolehiyo. Na-inspire ako sa bansang itong pagbutihin pa ang pag-aaral ko nang may magawa naman akong mabuti para sa kapaligiran at kalikasan sa ngalan ng teknolohiyang alternatibo.

Tunay nga akong mapalad na nakapaglalakbay ng ganito. At sa pamamagitan nitong blogang ito, ipinamamahagi ko ang kasiyahan ko:)

Dito Muli
Napatagal na rin magmula noong huli akong nagsulat dito. Marami talagang nagbabago. Hindi rin madali ang mabuhay dito sa Islandiya. ang daming nangyayari. Bagsak pa rin naman ang ekonomiya nila, pumutok pa ang bulkang ang pangalan ay hindi mabigkas nang maayos ng mga hindi taga-dito pero ayos pa rin naman ang buhay. Sa katunayan, mas lalo ko pang minahal ang bansang ito.

Sa simula ng aking ikatlong dekada sa mundo, naging masaya at nakakasabik naman ang buhay ko. Ito nga siguro ang panahon na may pagkanakakatakot dahil kung anong desisyon ang gagawin mo sa panahong ito, may malaking impluwensiya iyon sa magiging buhay mo sa hinaharap.

Maganda sana ang buhay kung walang pamimilit ang pamayanang makapagtapos ka ng pag-aaral. Nararamdaman ko na isang malaking balakid ang edukasyon sa lubusang pagkilala ng tao sa kanilang mga sarili. Masyadong nabubulang ang mga tao sa paniniwalang ang edukasyon ang siyang magdudulot ng magandang buhay, ngunit ang katotohanang naisasantabi ay para lamang ito na makapaghanapbuhay at kumita ng pera. Ramdam naman nating lahat na hindi nakasentro doon ang buhay ng tao.

Mas matamis siguro ang buhay kung gagawin talaga ng mga tao ang siyang isinisigaw ng mga puso nila at hindi na iniisip pa ang mapampilit na pag-alala kung may kakainin ka tatlong beses isang araw, at kung ano ang mga susuotin mo. Kung gusto mong kumanta at sumayaw, iyon lamang ang gawin mo at hindi na mag-aksaya pang magtrabaho para sa iba. Kung gusto mong gumuhit, ayon.Kung gusto mong magturo, ayon. Bakit ba kasi kailangang i-limita ng pera ang mga maaari mong gawin.

Bakit kayo masyadong nakakulong ang mga tao sa maluhong daigdig na ito?  Sana wala na lang naging pamimilit ang pamayanang maging maganda, magkaroon ng palaging magagandang damit, magkaroon ng mataas na pinag-aralan, magkaroon ng limpak-limpak na salapi, magkaroon ng magandang bahay. Bakit kaya ganun?

Sana nagiging totoo ang mga tao. Sana bukas pag-iisip nila sa ano talaga ang gustong gawin ng mga puso't isipan nila. Hindi palagi nababatay sa iniisip nilang iniisip ng iba. Maganda sana ang mundo.

Mga muni-muni ko lang naman iyon.

May tinatawag talagang totoong buhay kaya natural, hindi rin maiiwasan ang pag-iisip ng mga makamundong mga bagay na mga binanggit ko. Pero dapat lang na mas lalamang pa doon ang mga iniisip ng mga tao, ang mga mas importante pang mga bagay.

Alam mo na iyon, mahal kong mambabasa. Iyong mga bagay na mahahahalaga.

Bakit kaya?
Bakit kaya nilalamig ako kahit mainit naman suot ko?

Bakit kaya ang dilim ngayon, maliwanag naman ang ilaw ng kuwarto ko?

Bakit kaya ang bilis ng takbo ng mga araw kahit ang bagal ng takbo ng mga pangyayari sa isip ko?

Bakit kaya pakiramdam ko mag-isa ako kahit ang dami ng taong nasa paligid ko?

Bakit kaya abala ang lahat ng mga tao sa kani-kanilang mga gawain at mahirap nang magkita-kita?

Bakit kaya ang dami nating hindi alam pati na rin ang mga alam nating hindi talaga natin alam?

Bakit kaya kailangang magsinungaling ng mga tao kahit alam nilang walang mararating ito?

Bakit kaya napakamakasarili ng mga tao kung mamamatay lang din naman tayo?

Bakit kaya kailangang sabayan ang mga batayan ng pamayanan kung may sarili naman tayong mga kagustuhan?

Bakit kaya kailangan pa nating masaktan para maramdaman kung ano ang kaligayahan?

Bakit kaya naghihirap ang mga mahihirap na tao at naghihirap rin ang hindi mga mahihirap?

At bakit kaya sa kabila ng lahat nabubuhay pa rin tayo, umaasa, at nagmamahal?

Tanong ko lang.

Hangarin
Pangkaraniwang bagay na sa ating mga tao ang humangad ng kung anumang ninanais natin sa buhay. Maaaring makapagtapos ng pag-aaral, yumaman, mapagawa ang pamilya ng bahay, o di kaya nama'y makapagtayo ng sariling paaralan sa sariling bayan. Malimit nating dinarama ang mararamdaman natin sakaling mapasakatuparan ang mga hangarin natin sa buhay. At dahil sa ninanais nating sila'y mangyari, pilit nating ginagawa ang ating mga makakaya ngayon upang makamit ang mga iyon.

Iba't ibang tao ang nandirito sa mundo, iba't ibang klaseng hangarin at paraan upang sila'y magawa, ngunit para sa akin, mahahati lamang itong iba't ibang uring ito sa dalawang kategorya: ang humangad para sa ikabubuti ng sarili nang hindi iniisip ang iba, kahit matapakan na sila o ang humangad para sa sarili rin AT sa ikabubuti ng iba. Dahil sarili lang talaga natin ang responsibilidad natin, ang pagtingin natin sa iba, kung anong maaaring epekto ang madudulot ng mga kilos natin sa kanila, ang siyang nagbubukod sa mga tao. At ito rin ay kusang pinipili natin, kung anong gusto nating gawin.

Dahil ikaw ay isang taong biniyayaan ng kakayahang mag-isip kung ano ang tama o maling gawi dito sa dalawang kategoryang ito, ikaw ang magpapasya. Isang maliit na punto ngunit napakahalaga ng pag-iisip nito at sa tingin ko ay dapat itong maging isa ring batayan sa mga mahahalagang pagpapasyang gagawin natin sa buhay natin.

Maligayang pamumuhay!:)

Kalayaan
Isang pinakamatamis na bagay talaga ang pagiging malaya. Malaya kang gawin kahit ano mang naisin mong magawa, malaya kang isipin ang kahit anong sumagi sa iyong isip, malaya kang puntahan ang mga pook na ibig mong marating, malaya kang hangarin ang mga bagay na nais mong mangyari. Walang pipigil sa iyo, kundi ang sarili mong pag-iisip na siyang nagiging balakid sa mga bagay na kaya mo naman talagang gawin.

Iyon ang kalayaan.

Tayo ang siyang magpapasya kung ano ang nais nating mangyari sa mga buhay natin nang hindi inaalaala ang kahit anong sabihin ng iba, nang hindi iniisip ang mga limitasyong ipinupundar ng pag-iisip sa mga inaasahan ng iba, nang hindi nakukulong ang ating isipan sa mga bagay na nais ng lipunang paniwalaan natin na sa katotohanan ay siya lamang naglilimita sa mga bagay na maaari nating makamit.

Iyon ang kalayaan.

Malaya tayong pagtuunan ng pansin ang mga bagay na siyang nagbibigay ng tunay na saya sa ating mga damdamin, ang mabigyan ng pagkakataong mapalago ang mga ipinagkaloob sa ating mga kakayahan sa simula pa lamang, ang magpakita ng pagmamahal sa mga taong tunay nating minamahal nang hindi iniisip ang kung anumang kasalungatang mayroon ang lipunan tungkol dito.

Iyon ang kalayaan.

Kung magagawa at mauunawaan lang sana ito ng mga tao, tunay na tayong magiging malaya...

..sa tingin ko.

at malaya akong sabihin ang mga pananaw ko.

Pangarap
Isang malaking turn-off nga naman sa isang tao kung wala siyang pangarap sa buhay. Kung nagpapadala lamang siya ng agos ng tubig, ng hangin, at ng mga nagtutulakang tao at wala siyang sariling kakayahan upang mangarap at magmuni-muni sa kung saan niya nais makarating sa buhay. Alam naman nating kadalasa'y hindi naisasakatuparan ang ating mga pangarap, pero maisasaisip nating maaaring may mangyari pang mas mabuti kaysa sa pinapangarap natin. Ngunit paano naman tayo makakarating sa punto ng pagkaranas ng mga mas mabubuting pangyayaring iyon kung wala tayong mga pangunahing pangarap na mag-uudyok sa ating pumunta sa landas ng butihing kapalarang iyon?

Ang pangarap ay isang mahalagang sandata sa digmaan ng buhay ng isang tao. Kumbaga sa paghahalintulad, maaari itong maihambing sa isang espadang magkabilaan ang talim. Siya ang layunin mong mangyari at gagawin at magagawa mo ang lahat ng sa tingin mo'y nararapat upang makuha mo ang iyong minimithi. At kapag naman napurol ang talim na iyon, dahil sa mga hindi maiiwasang tukso ng buhay, walang magawa ang makapangyarihan mong galamay, maaari pa ring magamit ang kabilang talim, pupuwedeng lumihis ka ng landas at may makikita ka pa ring tagumpay!

Ngunit dahil magkabilaan nga ang talim nito, maaari ring mag-udyok ito sa ikalulugmok mo. At iyon ay mangyayari lamang kung hahayaan mo ito. Nangarap ka nang nangarap at wala namang ginagawa tungkol dito o ang ginagawa mo'y sadya nga namang hindi sapat o di kaya'y hindi sapat ang pagnanais mong maisagawa ang mga pinapangarap mo, lalapit at lalapit sa iyo ang sarili mong sandata't ikaw pa ang masusugatan ng matigas nitong tirang ang tawag ay panghihinayang.

At tulad din ng lahat ng sandata, isa ring posibilidad ang makapanakit ng kapwa kungkaya't ingatan mo na ang mga pangarap mo'y hindi nakakapanira ng iba dahil ano pa ang tagumpay ng pagkakamit ng iyong mga pinapangarap kung may mga nasaktan ka naman sa prosesong iyon. Ito'y sandata sa digmaan mo laban sa mga mapanirang laman ng mundong ito sa sarili mo at hindi ito nararapat na gamitin para lamangan ang iba dahil may sarili rin silang mga digmaang nilalabanan.

Ngayon at nakahain ang sandatang ito para gamitin mo, bakit hindi mo pa ito gamitin, hindi ba't katangahan na ang tumanggi sa ganitong grasya? At kapag hawak mo na ang sandatang iyan, kasama na rin sa babagtasin mo ang pag-unawa at pagtanto sa kung paano ito nararapat at wastong gamitin, sa ikaliligaya mo at ng mga tao sa paligid mo.

Taong Dalawang Libo't Siyam
Bagong taon nanaman at panibagong simula nanaman ng pagkahaba-habang taon. Halos lahat na siguro ng mga tao ngayo'y nilista na ang kanilang walang kamatayang mga resolusyon para sa bagong taon kahit iniisip din nila sa kailaliman ng kanilang pag-iisip na hindi rin naman ito maisasakatapuran pero kahit ganoon pa man, patuloy pa rin nila itong pinapangarap na gawin.

Hindi talaga ako ang taong nagpapadala sa agos ng mga nakararaming tao, pero ngayong taong ito, napag-isip ko rin na kahit papaano maglagay ng mga bagay na nararapat kong gawin para naman masaayos na ang buhay ko. Katulad ng nagagawa nitong bilis ng takbo ng panahon sa mga isip ng mga tao, napagtanto ko na tumatanda na ako't kailangan ko nang pag-isipan kung saang direksyon nais kong patakbuhin itong buhay ko. Marahil ay dumadating naman siguro sa buhay ng lahat ng tao na matanto itong bagay na ito, pera na lang kung likas ka nang walang pakialam sa mundo at naniniwala pa rin sa pambatang pilosopiyang maikli lang ang buhay kungkaya't magsaya't magliwaliw ka sa abot ng iyong makakaya. Oo nga't totoo iyan na maikli lang ang buhay at dapat pahalagahan ang bawat araw na naririto tayo sa mundo, pero kailangan din naman nating malaman kung saan tayo patungo. At sa tingin ko'y nandito na ako sa puntong kita ko na ang mga posibilidad, at nasa akin na lang kung anong tatahakin ko.

Iyon ang misyon ko para sa taong ito, ang simulan ang paglakad sa napili kong direksyon sa buhay. Hindi ko pa man masisiguro ang bawat detalye sa direksyong ito,  may magiging balakid man at halong tamis din, may mga magkahalong tama at pait ang mararanasan, sa simula pa lang ay tagumpay na para sa akin iyon dahil alam ko na na ako ang pumili nito, at lakas ko iyon.

Maligayang paglalakbay sa inyong lahat ngayong taon na ito!

Buhay
Malamang darating naman sa buhay ng nakararami ang paglabas sa mundo upang magtrabaho. Bakit nga rin naman ba tayo nag-aaral ngayon, hindi ba para na rin lang makapaghanapbuhay sa hinaharap.

Dito sa Islandiya, maagang nagsisimulang magtrabaho ang mga tao. Mga dalagita't binatilyo pa lang, may trabaho na, kesyo mga kahero, mga naglilinis at nag-aayos ng mga hardin, naglilinis ng bahay, tumutulong sa mga matatanda o mga bata, basta mga gawaing hindi kinakailangan ng edukasyon pinapasukan na. Ako man, nag-umpisa akong magtrabaho nung labinglimang taong gulang pa lamang ako, at magmula noon, hindi na ako nawalan ng trabaho. Minsan nga dala-dalawa o tatlo-tatlo pa ang trabaho ko, at dumating pa ang panahon na apat trabaho ko. Ganoon ako kasipag!! haha...

Sa pamamagitan nitong pagtatrabaho, kahit mga bata pa tayo at hindi pa talaga nakapagtapos ng pag-aaral, mararamdaman natin ang pagiging independiyente mula sa ating mga magulang nang hindi na tayo umasa pa nang lubos sa kanila. At sa pamamagitan din nito, mas mauunawaan natin na hindi basta-basta ang buhay at kailangan nating kumayod at magpursige upang may makain na masasarap, may bagong damit na maisusuot at may mga luho na mabibili, at para na rin makapag-ipon para sa hinaharap.

Dahil sa pangkaraniwan na nga ang magkatrabaho dito sa Islandiya sa ganitong gulang, at hindi rin naman ganoon kahirap ang makakita ng hanapbuhay basta masipag at matiyaga ka lang, maganda nagiging buhay ng mga tao. Naging maganda rin ang buhay ko at ng pamilya ko kahit papaano.

Ngayon naman, at dinatnan ng malaking krisis ang ekonomiya dito sa Kanluran at sobrang natamaan itong mala paraisong bansang pinamamahayan ko ngayon, hindi ko mapilitang hindi makita ang pagbabago na nangyayari sa sambayanan. Ang mga tao, nabaon na sa mga utang na kahit magtrabaho pa sila buong buhay nila, hindi na nila iyon mababayaran. Mga kompanya dito, nagsisirahan na dahil nabaon na rin sa utang. Mga tindahan at kainan, hindi na kumikita dahil ano na lang ba ang ipambibili ng mga mamamayan? At siyempre dahil dito, marami nang tao ang nawawalan na ng trabaho dahil hindi na masusuportahan ng kompanyang pinagtatrabahuan nila ang kanilang mga tauhan.

Marahil hindi pa talaga nararamdaman ng lahat ng mga mamamayan ang mga pangyayaring ito sa personal na lebel. Oo. laganap na sa balita. pahayagan at sa kahit pang-araw-araw na pakikipagtalastasan itong mga ito, subalit hindi pa rin naman ganoon kadaling matanto ang mga ito kung hindi pa ito nangyayari sa iyo mismo, hindi ba?

Iyon ang sumampal sa akin ngayong araw na ito. Alam ko kung anong nangyayari sa paligid ko ngayon, pero noong natanggap ko ang tawag mula sa may-ari ng kainang pinagtatrabahuan ko kanina, natauhan ako. Wala akong kalasag mula sa krisis na ito. Tinanggal ako sa trabaho. Hindi naman sa tuluyan akong nawalan ng pagkatao dahil doon, cool lang ako, at sa katunayan, matagal ko na rin balak huminto doon dahil marami akong ginagawa sa iskul, iba pa rin ang tama kapag sinabihan kang tinatanggal ka na.

Sa akin lang, ayos lang ako, nag-aaral ako't nakatira pa ako sa mga magulang ko, pero inisip ko ang ibang mga taong umaasa lamang sa hanapbuhay nila upang patuloy na mabuhay, ang hirap noon. At iyong iba pang ang taas na ng mga pinag-aralan, sa ibang bansa pa nakapagtapos at matataas ang mga posisyon dito, nang dahil lang sa krisis na ito ay nawalan na ng mga trabaho. Pati na rin ang mga Pilipino o kahit sinong mga dayuhan sa bansa, na huminto na sa pag-aaral upang makapagtrabaho at makapagpadala ng pera sa mga naiwang pamilya sa kanilang mga sariling bansa, marahil mapilitan na lamang silang umuwi.

Kahit limang taon pa lamang ang paninirahan ko dito sa Islandiya, napamahal na rin sa akin ang bansang ito. Kahit hindi ko kailanman masasabing ito na ang bansa ko ngayon, hindi ko pa rin maipagkakaila ang kagandahan ng bansa na ito, hindi lamang sa kapaligiran at kalikasan, pati na rin sa mga taong nananahan dito. Tulad nga ng sinabi ko kanina, tila itong munting paraiso sa daigdig. Ang mga tao ay may mabubuting asal, bibihira lang makakita ng matapobreng tao, wala gaanong mga kriminal, at nalulungkot lang akong isipin na ganito ang nangyari sa bansa nila.

Pero nakakapamangha din naman na sa kabila ng mga nangyayari sa bansa nila ngayon, patuloy pa rin ang kanilang pagiging positibo, at makikitang mahal talaga nila ang bansa nila dahil handa silang magtulung-tulungang umahon mula dito sa krisis pangekonomiya na hinaharap nila ngayon. Sa kabila ng pagkakatanggal sa trabaho, heto pa rin sila at handang gumawa ng paraan. Kahit iyong iba ay gusto nang umalis dito, karamihan pa rin sa kanila ay handang iahon ito.

Mula sa pagiging isa sa pinakamayamang bansa sa mundo na sa halos isang linggo lang naging isa na uli sa mga pinakamahihirap, heto hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asa. Inisip ko, hindi kaya ito dahil mga bata pa lamang natututo na silang maging independiyente at hindi pala-asa sa iba? O dahil likas na sa kanila ang mahalin ang bansa nila't hindi tingalain ang iba?

Kahit ano pa man ang dahilan na iyon, sa tingin ko ay may mabuting aral tayong mga Pilipinong matutunan mula dito. Na kahit maging masaklap ang nangyayari sa buong bansa, walang mangyayari kung aasa tayo sa ibang bansa, nasa atin lamang kung gusto nating umahon sa kahirapan. At sa tingin ko ang pagmamahal sa ating bansa at pagtutulungan upang maisagawa ang dapat na gawin ay mga pangunahing sangkap upang maisakatuparan kung ano man ang minimithi ng buong bayan.

Krisis sa Ekonomiya
HIndi na bago itong paksang ito; nagkalat sa diyaryo, radyo, sa balita sa tv ang nangyayari sa ekonomiya ng buong mundo. Hindi na nakapagtatakang nangyayari ito dahil na rin sa napakarupok na sistema ng ekonomiya ng mga bansa, maging mayayaman man yan o hindi.

Dito sa Europa, ang pinakanatamaan ng krisis na ito ay ang bansang pinamamahayan ko ngayon, Islandiya. Animong mala-paraiso ang bansang ito, mataas ang antas ng pamumuhay ng mga tao, edukado ang nakararami, malinis ang paligid, halos narito na daw ang lahat, pero dahil sa katangahan ng pamamahala ng mga bangko at pati na rin sa pagpaparaya ng gobyerno, napaurong ng husto ang dating lumulusong na bansang ito.

Samu't sari ang dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya dito, at dahil iba-iba at pagkagulo-gulo ng pagpapaliwanag ng mga kinauukulan tungkol sa krisis na ito, hindi na alam ng mga tao kung anong paniniwalaan. Nakakatakot isiping hindi masosolusyunan ng gobyerno ang problemang ito sa lalong madaling panahon dahil ang takbo ng buhay ng nakararami o di kaya'y lahat ay nakasalalay sa takbo ng mga bangko. Ang masaklap pa eh dahil walang likas na pinagkukunang yaman ang Islandiya maliban sa isda at aluminum, walang mabibiling pagkain ang nasyon na ito mula sa ibang bansa kung magpapatuloy ang krisis na ito.

Pero ang sabi naman ng mga opisyales ng gobyerno ay masosolusyunan ito at hindi kailangang mabahala ng mga tao, pero sa totoo lang kahit sila, wala ring ideya kung paano masosolusyunan ito kung hindi uutang o humingi ng tulong sa ibang bansa. Eh ang ibang mga bansa ay may hinaharap rin namang sariling krisis at kung may tutulong man, hindi mawawala ang mga "hidden agenda." Ang mga bansa, sa totoo lang, parang napakamakasariling mga bata, wala nang inisip kundi sarili nilang kapakanan, at alam ko na sa krisis na ito, sari-sarilihan ang pakikipaglaban sa kahirapan.

Ang pangit talaga ng sistema nitong mundong ito kahit kailan. Bakit ba kasi kailangan pang gawing sobrang komplikado ang ekonomiya ng mga bansa? Bakit ba kasi kailangang maging ganito ang sistema ng pera? Hindi na natin alam kung anong ibig sabihin ng pera. Naging napakanormal na parte na ng buhay natin ito na nakalimutan na natin kung ano ba talaga ito, o hindi na sa atin pinaintindi kung ano ito. Tapos mabibigla na lang tayo kapag may ganitong krisis na nangyayari na hindi natin maunawa-unawaan kung ano ba talaga ang dahilan.

Kung tutuusin naman leksyon na rin ito sa mga nagyayamanang bansang biglang nasalanta ng krisis na matuto na't hindi na masyadong maging mapagmahal sa mga makamundong bagay, sa pagpapayaman, sa pera, na hindi naman talaga dapat maging sentro ng mga buhay natin dito sa mundo.

Pagtanto
Likas man tayong mga taong magkakaiba, maibubukod sa iba dahil sa ating angking kaespesyalan at kaibahan, hindi pa rin maipagkakaila ang ating pagkakatulad. Sa pinakasimpleng bagay na pagpapanganak sa mundong ito, hanggang sa ating paglaki, pare-pareho tayo.

Lahat tayo dumaan sa pagiging bata, wala naman sa ating pinanganak at alam na kung ano ang katotohanan ng mundong ito, 'di ba? Lahat tayo dinaanan ang panahon ng pagiging inosente at walang kamuwang-muwang hanggang sa mapagtanto natin kung ano pala ang katotohanan na ating ginagalawan. Katotohanang ang kagandahan ay hindi maipagmamalaki, iyan ang gugulantang sa atin sa iglap na mabuksan na ang ating mga isipan.

Noong bata pa lamang tayo, maliit ang mundong ginagalawan natin. Ang buhay natin ay nakasentro lamang sa loob ng pamilya, sa paaralan, sa mga kalaro't kaibigan, sa madistansiyang pangangarap ng ninanaais namaging sa hinaharap. Oo nga't alam natin na mas malaki pa ang mundo kaysa sa mga pinag-uukulan natin ng buong atensyon noon ngunit dahil hindi nga natin iyon mas nabibigyang pansin, hindi rin natin ito masyadong iniisip. Hanggang sa magkaroon na nga tayo ng gulang at mas lumaki't lumawak na ang nakikita natin, magugulantang na lang tayong isiping ganito pala talaga ang buhay.

Noong bata pa lang tayo, hindi nating maiwasang isiping tayo ang sentro ng mundo, na ang mga problema natin ay ang problema na ng mundo, wala tayong bukal sa loob na pagbigay-simpatiya sa problema ng ibang mga tao dahil masyado nating iniisip ang sarili lang natin. Siguro nga rin ay itong pag-iisip na ito ay hindi na mawawala sa ating mga tao dahil kung tutuusin, lahat na bagay na gawin natin may makasariling aspeto.

Pero kahit pa lahat ng ito ay may makasariling aspeto, likas na sa pagtanda natin ang pagkita at pagtangkilik, kahit hindi kadalasan, ng punto ng ibang mga tao at ng mga interaksyon nila kungkaya't sa ganitong paraan mas nailalagay natin ang sarili nating mga buhay sa conteksto ng buhay sa mundong ito sa pangkalahatang salita. Kahit hindi ito kasing ganda ng mga ideya natin noong mga bata pa lamang tayo, tayo na rin ang makakapagtakda kung paano natin ito titingnan at bubuhayin. Tutal nasa atin lang din naman ang huling desisyon kung anong gusto nating mangyari sa buhay natin.