Taong Dalawang Libo’t Siyam
January 3, 2009Bagong taon nanaman at panibagong simula nanaman ng pagkahaba-habang taon. Halos lahat na siguro ng mga tao ngayo’y nilista na ang kanilang walang kamatayang mga resolusyon para sa bagong taon kahit iniisip din nila sa kailaliman ng kanilang pag-iisip na hindi rin naman ito maisasakatapuran pero kahit ganoon pa man, patuloy pa rin nila itong pinapangarap na gawin.
Hindi talaga ako ang taong nagpapadala sa agos ng mga nakararaming tao, pero ngayong taong ito, napag-isip ko rin na kahit papaano maglagay ng mga bagay na nararapat kong gawin para naman masaayos na ang buhay ko. Katulad ng nagagawa nitong bilis ng takbo ng panahon sa mga isip ng mga tao, napagtanto ko na tumatanda na ako’t kailangan ko nang pag-isipan kung saang direksyon nais kong patakbuhin itong buhay ko. Marahil ay dumadating naman siguro sa buhay ng lahat ng tao na matanto itong bagay na ito, pera na lang kung likas ka nang walang pakialam sa mundo at naniniwala pa rin sa pambatang pilosopiyang maikli lang ang buhay kungkaya’t magsaya’t magliwaliw ka sa abot ng iyong makakaya. Oo nga’t totoo iyan na maikli lang ang buhay at dapat pahalagahan ang bawat araw na naririto tayo sa mundo, pero kailangan din naman nating malaman kung saan tayo patungo. At sa tingin ko’y nandito na ako sa puntong kita ko na ang mga posibilidad, at nasa akin na lang kung anong tatahakin ko.
Iyon ang misyon ko para sa taong ito, ang simulan ang paglakad sa napili kong direksyon sa buhay. Hindi ko pa man masisiguro ang bawat detalye sa direksyong ito, may magiging balakid man at halong tamis din, may mga magkahalong tama at pait ang mararanasan, sa simula pa lang ay tagumpay na para sa akin iyon dahil alam ko na na ako ang pumili nito, at lakas ko iyon.
Maligayang paglalakbay sa inyong lahat ngayong taon na ito!
Bagong Taon
January 1, 2008Manigo at Masaganang Bagong Taon sa inyong lahat!!
Hindi tulad ng Pasko, hindi masyadong maganda ang panahon dito sa Reykjavík nung pagsalubong namin ng Bagong Taon. Ang lakas ng hangin at umuulan! Hahaha. Kaya hindi masyadong maraming tao ang nagpaputok eh, delikado masyado. Pero kahit papaano masaya rin naman bagong taon namin dito sa bahay, kasama ang buong pamilya. Gusto ko nga sanang pumunta sa Perlan eh para tumingin ng mga nagniningningan na pagsabog ng mga paputok pero ayaw ni nanay, kainis, gusto niyang sa bahay lang kami, hehe…nauunawaan ko naman pero napakasuwerte nga lang namin na nakatira kami sa pinakamababang parte ng Reykjavík na malapit sa dagat at wala kami masyadong makitang mga paputok. Haha ewan, pero ganun pa nga rin naman masaya rin:) Masarap at katakam-takam na pagkain din ang mga nakahain kaya oks tiyan ko. haha!
At siyempre, hindi na yata mawawala ang walang humpay na pagtalon sa bagong taon sa pag-asang tatangkad pa kami! haha. Habang may buhay may pag-asa ‘no! Haha….tatangkad pa nga ba ako? (Ang Dakilang Lihim - oo tatangkad ka Shaira, tatangkad ka Shaira MNH!!).
At ‘yon, pagkatapos, lumabas kaming mga kabataan, kahit sobrang sama ng panahon, ayun sugod sa kabayanan. Hindi nga lang ako nagtagal, wala mga kabarkada ko e, nakisama nga lang ako kina kuya, ako pa ginawang tagamaneho para lang makainom sila, hmmp! Haha, pero masaya rin siya. Kakatuwa.
At ngayo’y nagbblog ako, mukhang isa itong senyales na magiging masipag ako ngayong bagong taon na magbloga. Siguro, hindi natin alam:P hehe..
At ye, ang hiling ko nga lang ngayong bagong taon ay sana maging maayos ang lahat sa buhay ko, at sa sambayanang Pilipino, okey pati na rin ng mundo!
Muli, maligayang bagong taon sa inyong lahat!:)


