Home » Post Item » Krisis sa Ekonomiya
"Hindi natin kailanman mahahanap ang katuturan nitong tila walang katuturang buhay hangga't hindi natin ito bibigyan ng katuturan."

Krisis sa Ekonomiya

October 17, 2008

HIndi na bago itong paksang ito; nagkalat sa diyaryo, radyo, sa balita sa tv ang nangyayari sa ekonomiya ng buong mundo. Hindi na nakapagtatakang nangyayari ito dahil na rin sa napakarupok na sistema ng ekonomiya ng mga bansa, maging mayayaman man yan o hindi.

Dito sa Europa, ang pinakanatamaan ng krisis na ito ay ang bansang pinamamahayan ko ngayon, Islandiya. Animong mala-paraiso ang bansang ito, mataas ang antas ng pamumuhay ng mga tao, edukado ang nakararami, malinis ang paligid, halos narito na daw ang lahat, pero dahil sa katangahan ng pamamahala ng mga bangko at pati na rin sa pagpaparaya ng gobyerno, napaurong ng husto ang dating lumulusong na bansang ito. 

Samu’t sari ang dahilan ng pagbagsak ng ekonomiya dito, at dahil iba-iba at pagkagulo-gulo ng pagpapaliwanag ng mga kinauukulan tungkol sa krisis na ito, hindi na alam ng mga tao kung anong paniniwalaan. Nakakatakot isiping hindi masosolusyunan ng gobyerno ang problemang ito sa lalong madaling panahon dahil ang takbo ng buhay ng nakararami o di kaya’y lahat ay nakasalalay sa takbo ng mga bangko. Ang masaklap pa eh dahil walang likas na pinagkukunang yaman ang Islandiya maliban sa isda at aluminum, walang mabibiling pagkain ang nasyon na ito mula sa ibang bansa kung magpapatuloy ang krisis na ito. 

Pero ang sabi naman ng mga opisyales ng gobyerno ay masosolusyunan ito at hindi kailangang mabahala ng mga tao, pero sa totoo lang kahit sila, wala ring ideya kung paano masosolusyunan ito kung hindi uutang o humingi ng tulong sa ibang bansa. Eh ang ibang mga bansa ay may hinaharap rin namang sariling krisis at kung may tutulong man, hindi mawawala ang mga “hidden agenda.” Ang mga bansa, sa totoo lang, parang napakamakasariling mga bata, wala nang inisip kundi sarili nilang kapakanan, at alam ko na sa krisis na ito, sari-sarilihan ang pakikipaglaban sa kahirapan. 

Ang pangit talaga ng sistema nitong mundong ito kahit kailan. Bakit ba kasi kailangan pang gawing sobrang komplikado ang ekonomiya ng mga bansa? Bakit ba kasi kailangang maging ganito ang sistema ng pera? Hindi na natin alam kung anong ibig sabihin ng pera. Naging napakanormal na parte na ng buhay natin ito na nakalimutan na natin kung ano ba talaga ito, o hindi na sa atin pinaintindi kung ano ito. Tapos mabibigla na lang tayo kapag may ganitong krisis na nangyayari na hindi natin maunawa-unawaan kung ano ba talaga ang dahilan.

 Kung tutuusin naman leksyon na rin ito sa mga nagyayamanang bansang biglang nasalanta ng krisis na matuto na’t hindi na masyadong maging mapagmahal sa mga makamundong bagay, sa pagpapayaman, sa pera, na hindi naman talaga dapat maging sentro ng mga buhay natin dito sa mundo. 

  

 

 

Posted by kasiyahan at 3:46 am | permalink

Previous Comments

U’R RYT!!!
dahil sa makamundong pagmamahal sa mga bagay na kailan man ay di natin maaaring bitbitin sa kabilang buhay., nakaligtaan na nating ayusin ang sarili nating mga suliranin at di na namalayang nagpalala pa sa kahirapang kinahaharap ng bansa. At sa paghihirap na ito., sinisisi natin ang mga taong namamahala sa ating lipunan., di naman kaya hindi na patas ang laban kkung atin lamang ibabato sa kanila ang lahat ng pagsisisi sa anumang naranasan natin ngayon? at sa kabila ng lahat nang pamamato sa kanila ng mga poot nito., di natin maiwasang iasa sa kanila ang ikauunlad ng madla. Tayo ang may hawak ng ating buhay., tayo ang nagpapatakbo nito., bakit kailangan pang iasa sa iba ang magiging buhay natin sa hinaharap?

… pero kahit ganun di pa rin natin maiwasan na ang pera talaga ang siya ngayong pangunahing pangangailangan ng bawat indibidwal., dahil kung wala daw ito ay wala rin ang ano man ang meron tayo ngayon.,

… pero dapat din nating isaisip ang mga bagay na dapat iwasan nang hindi pa madagdagan ang mga balakid nitong kahirapan., at gawin ang wasto namg makamit ang kaunlaran!!!

… together., we can make it!!!

Posted by Norielene at November 3, 2009, 10:17 am

ay!!! sorry., balakid sa kaunlaran pala yan!!! yung nasa last part..,

… technical error lang poh…

…luv your outputs..

Posted by Norielene at November 3, 2009, 10:20 am

tama ka rin norielene, at salamat uli sa pagcomment. marami namang nakakapansin nito, kasi obvious namn diba. Pero dahil mabigat rin kasi mag-isip, parang pinapasawalang-bahala na rin ng nakararami at gumagawa na lang ng panandaliang lunas sa mga problema nila, at yun ay manisi ng iba. dapat kasi talagang alamin ang punu’t dulo ng bawat suliranin, at yun ay usisain ang mga sarili natin, para naman maging mas matatag tayong mga tao.

Posted by shai at November 4, 2009, 1:07 am

Add a comment